SCUAA III Sports Olympics, sa NEUST

Central Luzon State University delegation.

Magtatagisan muli ang 13 unibersidad at kolehiyo sa Central Luzon upang paglabanan ang kampeonato sa iba't ibang larangan ng palakasan sa gagawing State Colleges & Universities Athletic Association (SCUAA) III Sports Olympics.

Ang pagbubukas ng olimpyada ay sa ika-5 ng Enero araw ng Linggo sa pamamagitan ng parada mula sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) Gen. Tinio hanggang sa NEUST Main sa Sumacab, Lunsod ng Cabanatuan.  Ito ay pinangunahan ni House Committee on Higher and Technical Education chairman Roman T. Romulo.

Ang palaro ay magtatagal hanggang sa ika-10 ng Enero 2014 kung saan ang mga participating university & colleges ay kinabibilangan ng Ramon Magsaysay Technological University (RMTU); Don Honorio Ventura Technological State University (DHVTSU); Pampanga Agricultural College (PAC); Aurora State College of Technology (ASCOT); Bulacan Agricultural State College (BASC); Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA); Bulacan State University; (BSU); Bataan Peninsula State University (BPSU); Tarlac College of Agriculture (TCA); Central Luzon State University (CLSU); Tarlac State University (TSU); Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) at Nueva Ecija University of Science & Technology (NEUST).

May paligsahan din para sa Swimwear, Regional Costume compitition at Mr. & Miss SCUAA III 2014' complition at turn-over ng SCUAA banner.

Tampol din sa okasyong ito ang panauhing pandangal na sina NE Governor Aurelio M. Umali at City Mayor Julius Cesar V. Vergara at iba pang mataas na opisyal ng bawat probinsiya sa Rehiyon.

Photo Credit:  https://www.facebook.com/photo.php?fbid=797845163574768&set=pb.163894370303187.-2207520000.1390047815.&type=3&theater