'Tuloy ang giyera laban sa 'plastic bags' sa San Jose City, Nueva Ecija, matapos isulong ni City Mayor Marivic Violago-Belena ang mahigpit na pagpapatupad ng implementasyon sa "anti-plastic bags ordinance" kung saan ay pinalugitan nito hanggang Pebrero 21, 2014 lamang ang paggamit ng plastic bag ng mga traders at establisimiento sa lungsod.
Ang deadline ay nakasaad sa probisyon ng City Ordinance 13-113 na nagbabawal sa 'manufacture, production, sale at paggamit ng plastic bags, polystyrene na lalong kilala sa tawag na "Styrofoam."
Pinadalhan ng sipi ang lahat ng negosyo, grocery, establishments, retailers, wholesalers na nag-ooperate sa lingsod kung saan ay binigyan ng apat na buwang moratorium o hanggang Pebrero 21 para sumunod sa pinag-uutos ng batas.
Ang anti-plastic bags law ay ipinasa o pinagtibay ng 13-man Sangguniang Panglunsod (SP) sa pangunguna ni Vice Mayor Glenda Macadangdang na inapruban ng cloth bags o katsa, paper bags. eco-bags at iba pang kauring materyales.
(Photo from Google)