Pinagtibay nitong Enero 8, 2014 ang isang ordinansa o Pambayang Kautusan ng Sangguniang Bayan ng San Antonio, Nueva Ecija na may bilang 001-2014 na nagsasaad na tuwing Enero 16-17 ay dekleradong walang pasok o pista opisyal upang bigyang pagkakataong maki-isa ang mga mamamayan sa nasabing bayan na ipagdiwang at gunitain ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayang sinilangan at sa Patrong San Antonio Abad.
Ang kapasiyahan ay pinagtibay ng mga opisyal sa pangunguna ni Kgg. Jose "Kaka" Balagtas, Pangalawang Punong Bayan mga kagawad na sina Kgg. Adonis L. Balagtas, Angelyn L. Reyes, Julito M. Galang, Jr., Polito S. Pamintuan, Oscar O. Ortiz, Raymundo G. Yabot, at Dominga Perla P. Cruz.
Ang okasyan ay katatampukan ng iba't ibang gawain gaya ng Bb. San Antonio, Tambo Festival, Free Concert, Fun Run, Little San Antonio, Worship Concert, Street Dancing & Pet Parade, Barangay Night, Singing Contest at Misa araw-araw.