Isinusulong ngayon ni NE 1st District Representative Estrellita Suansing na ma-regulate ang pagbebenta at distribusyon ng mga locally produced eggs sa pamamagitan ng isang 'regulatory body' sa ilalim ng Department of Health (DOH at Food and Drug Administration (FDA).
Inihain na ni Suansing sa Mababang Kapulungan ang kanyang House Bill 3363 na naglalayon na magkaroon ng 'grading, packaging, marking, inspection at expiration of eggs para sa domestic at internation market. Sinabi ni Suansing na kailangan ang HB 3363 dahil sa walang provision sa egg regulation sa ilalim ng RA 9711 o FDA Act at RA 7394 ng Consumer Act of the Philippines.
Ayon pa sa mambabatas sa ilalim ng naturang Bill, ang itlog ay kailangan may klasipikasyon na gaya ng "Phil A, Phil B, Phil C, at Phil Premium makaraang pumasa sa inspeksiyon at quality control. Ang mga itlog ay ikaklasipika na 'good quality at walang 'foul odor' o dili kaya'y hindi na incubator at lalong hindi kontiminado.
Idinagdag pa nito na ang expiration dates ay dapat nakalagay mismo sa bawat kahon, tray o container ng itlog at based on 3-5 weeks shelf-life period. Sinumang empleado o opisyal na mapapatunayang may mga paglabag sa kautusang ito ay maaaring mapatawan ng parusang anim na buwang pagkabilanggo at mulatang di-hihigit sa P20,000.00.