Pinigil ng Korte Suprema ang una nang itinakdang plebisito sa Cabanutan City, Nueva Ecija na dapat sana'y gaganapin sa Enero 25.
Ang desisyong ito ng Supreme Court en banc ay alinsunod sa petisyon ni Gov. Aurelio Umali laban sa plebisito para ideklarang highly urbanized city ang Cabanatuan mula sa kasalukuyang estado bilang component city.
Nais ni Umali na palahukin sa plebisito ang lahat ng rehistradong botante sa lalawigan ng Nueva Ecija, imbes na iyong mga taga-Cabanatuan lang.
Katwiran ni Umali, apektado ang lahat ng Novo Ecijanos kapag tuluyan nang naging highly urbanized city ang Cabanatuan.
Pero sa ilalim ng Comelec Resolution 1353, tanging mga rehistradong botante lang ng Cabanatuan ang pasasalihin sa naturang plebisito.
Una nang itinakda ng Comelec ang plebisito noong Disyembre 1, 2012 ngunit pinigil ng Palayan Regional Trial Court hanggang sa abutan na ng 2013 midterm elections.
Ito na ang ikalawang pagtatangka na gawing highly urbanized city ang lungsod.
Report from Alex Calda, Radyo Patrol 43