Controversial Mansion of PNP Dir. Alan Purisima
PNP PIO chief Police Senior Supt.
Wilben Mayor toured media around the controversial mansion of PNP
Director General Alan Purisima in Brgy. Magpapalayoc, San Leonardo, Nueva Ecija Monday. (Krisken Jones/InterAksyon)
Ecija cops get P20-M hostel, hall
Isang tatlong palapag na hostel para
saPambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) na nagkakahalaga ng P20 million ang
ipinatayo sa loob ng panlalawigang kampo
ng pulisya dito sa lalong madaling panahon upang magsilbing tahanan ng mga
opisyal ng pulisya sa lalawigan.
Pinasinayaan
sa pamamagitan ng seremonya o ground-breaking ang may pinaka-makabagong
disenyong hostel at multi-purpose na gusali sa loob ng panlalawigan at
pampublikong tambalang kaligtasan sa harap ng Nueva Ecija Provincial Police
Office (NEPPO) dito noong Lunes.
Onion Consultative Meeting
Pinulong ni
Governor Aurelio 'Oyie' Umali ang mga City Mayor at Municipalities
para sa konsultasyon sa Sibuyas. Dumalo sa naturang konsultasyon sina
Palayan City Mayor Riane Cuevas; Bongabon Mayor Allan
A. Gamilla; Gen. Llanera Lorna Mae Balunes-Vero; Rizal Mayor
Rafaelito Andres; Gen Natividad Mayor Areli
Grace Herrera Santos; Talavera Mayor Nerivi Santos Martinez; at Mayor
Rolando Bue. Kasama rin sa naturang konsultasyon ang mga Municipal at
City Agriculturist na ginanap noon Pebrero 18, 2014 sa Sierra Madre
Suite sa Lunsod ng Palayan. (Larawan
kuha ni:
Mary
Anne F. Guevarra-Hernandez)
Paggamit ng 'plastic bags' sa San Jose City, bawal na.
'Tuloy ang giyera laban sa 'plastic bags' sa San Jose City, Nueva Ecija, matapos isulong ni City Mayor Marivic Violago-Belena ang mahigpit na pagpapatupad ng implementasyon sa "anti-plastic bags ordinance" kung saan ay pinalugitan nito hanggang Pebrero 21, 2014 lamang ang paggamit ng plastic bag ng mga traders at establisimiento sa lungsod.
Ang deadline ay nakasaad sa probisyon ng City Ordinance 13-113 na nagbabawal sa 'manufacture, production, sale at paggamit ng plastic bags, polystyrene na lalong kilala sa tawag na "Styrofoam."
Pinadalhan ng sipi ang lahat ng negosyo, grocery, establishments, retailers, wholesalers na nag-ooperate sa lingsod kung saan ay binigyan ng apat na buwang moratorium o hanggang Pebrero 21 para sumunod sa pinag-uutos ng batas.
Ang anti-plastic bags law ay ipinasa o pinagtibay ng 13-man Sangguniang Panglunsod (SP) sa pangunguna ni Vice Mayor Glenda Macadangdang na inapruban ng cloth bags o katsa, paper bags. eco-bags at iba pang kauring materyales.
(Photo from Google)

Plebisito para maging 'highly urbanized city' ang Cabanatuan, pinigil ng SC
Pinigil ng Korte Suprema ang una nang itinakdang plebisito sa Cabanutan City, Nueva Ecija na dapat sana'y gaganapin sa Enero 25.
Ang desisyong ito ng Supreme Court en banc ay alinsunod sa petisyon ni Gov. Aurelio Umali laban sa plebisito para ideklarang highly urbanized city ang Cabanatuan mula sa kasalukuyang estado bilang component city.
Nais ni Umali na palahukin sa plebisito ang lahat ng rehistradong botante sa lalawigan ng Nueva Ecija, imbes na iyong mga taga-Cabanatuan lang.
Katwiran ni Umali, apektado ang lahat ng Novo Ecijanos kapag tuluyan nang naging highly urbanized city ang Cabanatuan.
Pero sa ilalim ng Comelec Resolution 1353, tanging mga rehistradong botante lang ng Cabanatuan ang pasasalihin sa naturang plebisito.
Una nang itinakda ng Comelec ang plebisito noong Disyembre 1, 2012 ngunit pinigil ng Palayan Regional Trial Court hanggang sa abutan na ng 2013 midterm elections.
Ito na ang ikalawang pagtatangka na gawing highly urbanized city ang lungsod.
Report from Alex Calda, Radyo Patrol 43

Pulis sa Cabanatuan plebiscite, dinagdagan
CABANATUAN CITY – Para sa kaayusan, katahimikan at seguridad sa
pagbobotohang conversion ng Cabanatuan mula sa pagiging component city
para maging highly urbanized city (HUC) ng Nueva Ecija, 200 pulis ang
idadagdag sa security force na itatalaga sa plebisito sa Enero 25, 2014.
Ayon kay Supt. Pedro D. Soliba, hepe ng Cabanatuan City Police, dadagdagan ang pulis upang matiyak ang ligtas at payapang pagdaraos ng plebisito sa 89 na barangay sa lungsod.
Sinabi pa ni Soliba na plano ring magbukas ng hanggang 10 checkpoint sa bawat strategic area, bukod pa sa magtatalaga ng karagdagang mga quick reaction team

Enero 16-17 Holiday sa Bayan ng San Antonio
Pinagtibay nitong Enero 8, 2014 ang isang ordinansa o Pambayang Kautusan ng Sangguniang Bayan ng San Antonio, Nueva Ecija na may bilang 001-2014 na nagsasaad na tuwing Enero 16-17 ay dekleradong walang pasok o pista opisyal upang bigyang pagkakataong maki-isa ang mga mamamayan sa nasabing bayan na ipagdiwang at gunitain ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayang sinilangan at sa Patrong San Antonio Abad.
Ang kapasiyahan ay pinagtibay ng mga opisyal sa pangunguna ni Kgg. Jose "Kaka" Balagtas, Pangalawang Punong Bayan mga kagawad na sina Kgg. Adonis L. Balagtas, Angelyn L. Reyes, Julito M. Galang, Jr., Polito S. Pamintuan, Oscar O. Ortiz, Raymundo G. Yabot, at Dominga Perla P. Cruz.
Ang okasyan ay katatampukan ng iba't ibang gawain gaya ng Bb. San Antonio, Tambo Festival, Free Concert, Fun Run, Little San Antonio, Worship Concert, Street Dancing & Pet Parade, Barangay Night, Singing Contest at Misa araw-araw.

Today In History
Today in History
January 7
The deportation of leaders of the Revolution to Guam
On January 7, 1901, Major General Arthur MacArthur Jr. ordered the
deportation to the island of Guam a number of politicians and leaders of
the Revolution led by Filipino hero Apolinario Mabini.
Mabini, the "Brains of the Revolution" who served as chief adviser of General Emilio Aguinaldo, was exiled for aiding and supporting the guerrilla war against the Americans and the cause of the Philippine Independence.
He wrote the True Decalogue when Filipino-American war broke out which inspired the Filipinos to fight and die for freedom.
Mabini and 31 others sailed for Guam on January 16 among them were Pablo Ocampo, Julian Gerona, General Artemio Ricarte, Maximino Hizon, Pio del Pilar and Mariano Llanera.
On January 26, in a telegram to Washington, MacArthur said: "Mabini-deported: a most active agitator. persistently and defiantly refusing amnesty and maintaining correspondence with insurgents in the field while living in Manila, Luzon under protection of the United States; also for offensive statement in regard to recent proclamation enforcing the laws of war. His deportation absolutely essential.

Regulasyon sa Philippine Egg Industry, Hiling ng NE Solon
Isinusulong ngayon ni NE 1st District Representative Estrellita Suansing na ma-regulate ang pagbebenta at distribusyon ng mga locally produced eggs sa pamamagitan ng isang 'regulatory body' sa ilalim ng Department of Health (DOH at Food and Drug Administration (FDA).
Inihain na ni Suansing sa Mababang Kapulungan ang kanyang House Bill 3363 na naglalayon na magkaroon ng 'grading, packaging, marking, inspection at expiration of eggs para sa domestic at internation market. Sinabi ni Suansing na kailangan ang HB 3363 dahil sa walang provision sa egg regulation sa ilalim ng RA 9711 o FDA Act at RA 7394 ng Consumer Act of the Philippines.
Ayon pa sa mambabatas sa ilalim ng naturang Bill, ang itlog ay kailangan may klasipikasyon na gaya ng "Phil A, Phil B, Phil C, at Phil Premium makaraang pumasa sa inspeksiyon at quality control. Ang mga itlog ay ikaklasipika na 'good quality at walang 'foul odor' o dili kaya'y hindi na incubator at lalong hindi kontiminado.
Idinagdag pa nito na ang expiration dates ay dapat nakalagay mismo sa bawat kahon, tray o container ng itlog at based on 3-5 weeks shelf-life period. Sinumang empleado o opisyal na mapapatunayang may mga paglabag sa kautusang ito ay maaaring mapatawan ng parusang anim na buwang pagkabilanggo at mulatang di-hihigit sa P20,000.00.

SCUAA III Sports Olympics, sa NEUST
Central Luzon State University delegation.
Ang pagbubukas ng olimpyada ay sa ika-5 ng Enero araw ng Linggo sa pamamagitan ng parada mula sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) Gen. Tinio hanggang sa NEUST Main sa Sumacab, Lunsod ng Cabanatuan. Ito ay pinangunahan ni House Committee on Higher and Technical Education chairman Roman T. Romulo.
Ang palaro ay magtatagal hanggang sa ika-10 ng Enero 2014 kung saan ang mga participating university & colleges ay kinabibilangan ng Ramon Magsaysay Technological University (RMTU); Don Honorio Ventura Technological State University (DHVTSU); Pampanga Agricultural College (PAC); Aurora State College of Technology (ASCOT); Bulacan Agricultural State College (BASC); Philippine State College of Aeronautics (PhilSCA); Bulacan State University; (BSU); Bataan Peninsula State University (BPSU); Tarlac College of Agriculture (TCA); Central Luzon State University (CLSU); Tarlac State University (TSU); Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) at Nueva Ecija University of Science & Technology (NEUST).
May paligsahan din para sa Swimwear, Regional Costume compitition at Mr. & Miss SCUAA III 2014' complition at turn-over ng SCUAA banner.
Tampol din sa okasyong ito ang panauhing pandangal na sina NE Governor Aurelio M. Umali at City Mayor Julius Cesar V. Vergara at iba pang mataas na opisyal ng bawat probinsiya sa Rehiyon.
Photo Credit: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=797845163574768&set=pb.163894370303187.-2207520000.1390047815.&type=3&theater
Subscribe to:
Posts (Atom)