Isang tatlong palapag na hostel para
saPambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) na nagkakahalaga ng P20 million ang
ipinatayo sa loob ng panlalawigang kampo
ng pulisya dito sa lalong madaling panahon upang magsilbing tahanan ng mga
opisyal ng pulisya sa lalawigan.
Pinasinayaan
sa pamamagitan ng seremonya o ground-breaking ang may pinaka-makabagong
disenyong hostel at multi-purpose na gusali sa loob ng panlalawigan at
pampublikong tambalang kaligtasan sa harap ng Nueva Ecija Provincial Police
Office (NEPPO) dito noong Lunes.
Sinabi ni Gobernador Aurelio Umali na ang pasilidad, ay magsisilbing
tuluyan ng mga kapulisan na malayo sa kanilang mga tahanan o'"home away
from home," ay matatapos sa anim na buwan.
Ang pondo na gagamitin ng Pamahalaang
Panlalawigan ay magmumula sa intelligence funds
Pinangunahan ni Umali kasama sina PNP Chief Director General Alan
Madrid Purisima, National Police Commission (Napolcom) Vice Chairman Eduardo
Escueta at Commissioners Alejandro Urro at Luisito Palmera at panlalawigang
director ng pulisya, Senior Superintendente Crizaldo Nieves ang ground-breaking
rites para sa gusali noong lunes.
Ang bulwagan sa pagpupulong ay matatagpuan sa ibabang gusali, samantalang may sampung
marangyang silid sa ikalawang palapag, at apat na silid ang nasa ikatong
palapag.
Maaaring magkaroon ng kanilang mga command conference ang panlalawigang
kapulisan, pati na rin ang maliliit na pagtitipon sa lugar na kung saan ay
magiging isang wi-fi zone, wika pa niya.
Sinabi din niya na ito ay ang unang kilalang panlalawigan kampo sa
bansa kung saan ang mga lokal na PNP ay magkakaroon ng bahay-panuluyan.
Ang naturang pasilidad ay magiging isang malaking tulong lalo na
sa mga opisyales na panandaliang mamamalagi, mga kalalakihan at maging sa
kanilang mga pamilya na pumupunta para sa pagbisita, wika naman ni Purisima.
Ang pasilidad ay isang bagay na maaaring ipagmalaki ng lokal na
pulisya, binigyang-diin pa na ang nasabing pasilidad ay nagbibigay sa mga lokal
na kapulisan ng mas marangal na hitsura at paggalang mula sa publiko, dagdag pa
ni Nieves.
Sinabi pa niya, labis ang suporta ng Administrasyong Umali sa PNP,
binanggit ang turn-over nitong mga nakalipas na buwan ng pamahalaan ng
probinsiya sa NEPPO ng pangpatrolyang sasakyan at ang pagbuo ng iba pang mga
pasilidad at serbisyo tulad ng Provincial Public Safety Company (PPSC) punong-himpilan
at gymnasium, dagdag pa ang mga pagsasanay para sa pagpapataas ng kakayahan ng
mga pulis.
Sinabi pa ni Umali na siya ring Chairman ng Regional Peace at
Order Council, na ang kanyang administrasyon ay pinapalawak pa ang suporta sa
lokal na PNP dahil ito ay nakatulong sa pagbabago ng imahe ng lalawigan mula sa
isang lugar ng pampulitikang digmaan tungo sa isang estado ng mapayapang, lugar
ng pamumulitika.
Sinabi pa niya na saludo siya sa PNP hindi lamang para sa
pagbabago ng imahe ng lalawigan kundi maging sa pagbaba ng kriminalidad na
siyang naging resulta ng pagsisikap ng mga ito na masugpo ang mga krimen. -Caren Dacaya