BIOMASS PLANT SA NE

CABANATUAN CITY -- Isang consortium ng Korean at Pilipino companies ang nagpahayag ng interest na mag-establish ng 'biomass co-generation power plants sa Nueva Ecija na may potensyal na makapag-generate ng 1,600 trabaho sa lalawigan.

Ayon kay NE Gov. Aurelio "Oyie" Matias Umali, tumaggap ng "Letter of Intent" (LOI) ang kanyang tanggapan mula sa Korean firm na Hankook B&P Co. Ltd. (HBPCL); Hankook B&Tec Ltd (HBTL.) Systems Plant Engineering Co. Ltd. (SPECL) at Kepco Engineering Co. Ltd. (KECC) na makipag-tie-up sa Phil Bio Agri Industry Corporation (PhilBaico) para magsagawa ng mga pag-aaral para sa biomass power plant at biomass collection project sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at tanggapan ng Agrikultura o' DA.

Sa LOI na isinumite kay Gov. Umali ng kinatawan ng Consortium na pinangunahan ni Kepco project manager Lim Yong Ha, sinabi nito na nais nilang simulan ang biomass projects at biomass power plants sa Pilipinas particular sa Nueva Ecija, gamit ang biomass materials na gaya ng "rice hulls, rice straw, corn cobs, corn stovers bagasse at coconut tress at residue fuel.

Ang HBPCL at HBTL ay tanyag na mga kumpanya sa larangan ng paggawa ng 'power generation boilers, industrial boilers at power boiler system, samantalang ang SPECL ay isang global plant engineering company na may 120 engineers at technical experts.

Pinahintulutan ni Gov. Umali ang Korean consortium at PhilBaico na magsagawa ng 'feasibility study' para sa proyekto at inatasan na rin sina provincial agriculturist Serafin Santos at ENRO Engr. Wilfredo Pangilinan na uasiste sa pagreresearch.

Ayon naman kay provincial administrator Atty. Alejandro Abesamis, aabutinng dalawa hanggang tatlong buwan ang 'feasibility study' at ang pagtatayo ng power plant ay matatapos sa loob ng tatlong taon. Ang Korean at Pilipino consortium ang unang dayuhang grupo na nagkaroon ng interest sa biomass facilities sa probinsya na tinaguriang 'rice granary of the Philippines' dahil sa sagana sa "rice hulls" at iba pang agricultural waste na kakailanganin sa nasabing mga proyekto. (Manny Galvez)