VACCINATION IS PREVENTION

PALAYAN CITY, Nueva Ecija -- "Vaccination is prevention," ito ang pahayag ni City Mayor Adrianne Mae Cuevas sa pagbubukas ng Palayan City Vaccine Clinic sa City Health Center noong Nobyembre 18 kasama ang mga Sangguniang Panglungsod at mga empleyado ng city hall. 
     Ang nasabing proyekto ay sa pakikipagtulungan ng Family Vaccine and Specialty Clinics (FVSC) sa pangunguna nina Chito San Agustin at Dr. Alberto Gabriel ng FVSC, na may 40 sangay sa buong bansa.
     "Mahalaga ng magkaroon ng ganitong klinika ang mga Palayanos upang mapaghandaan ang matagalang epekto ng mga bakuna kontra sa mabibigat na klase ng karamdaman," pagbibigay-diin ni Cuevas.
     Ayon kay San Agustin mga de-kalidad, mahahalaga at murang mga bakuna mula pre-natal, post natal at maging sa mga animal bites ang makukuha rito bukod sa libreng first 150 anti-flu vaccine.
     Isinaad ni Dr. Gabriel na nananatiling pangatlo ang Pilipinas sa buong mundo na may pinakamataas parin na rabies incidence, sa kabila ng pangakong maalis na ang problemang ito sa taoong 2020.
     Batay umano sa datos ng Animal Bite Treatment Centers ng Department of Health halos 90% ng mga rabid animals ay mga  bata dahil madalas makipaglaro sa mga alagang hayop. (Jojo Deguzman)
Photo Credit: TV48