Bukod sa mga naibigay ng mga construction materials, may maaasahhan pa ring ayuda sa mga punla ang mga magsasakang Novo Ecijano na napinsala ng nakaraang bagyo.
Ito ang paniniyak ni Nueva Ecija Governor Aurelio Umali, lalo na sa mga magsasakang sakop umano ng programang 'Ani Mula sa Uhay (AMU)' dahil sakop ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang kanilang pananim.
Sinabi rin ng Gobernado na sinimulan ang AMU noong 2008 na sakop lang ang may 100 ektarya na tig-25 ektarya ang bawa't isa sa apat na distrito ng lalawigan.
Sagot ng AMU lahat ng gastusin ng magsasaka sa produksyon ng palay na babayaran sa panahon ng anihan na may konting interes.
Ang Nueva Ecija ay may 185,000 ektaryang sinasaka at 135,000 ektarya rito ay may patubig. Ayon kay Umali umabot na ngayon sa 2,000 mahigit ng nakapaloob sa programa at pangarap niya na bago matapos ang kanyang termino ay umabot sa 30,000 ektarya ang masasakop ng AMU.