BIOMASS PLANT SA NE

CABANATUAN CITY -- Isang consortium ng Korean at Pilipino companies ang nagpahayag ng interest na mag-establish ng 'biomass co-generation power plants sa Nueva Ecija na may potensyal na makapag-generate ng 1,600 trabaho sa lalawigan.

Ayon kay NE Gov. Aurelio "Oyie" Matias Umali, tumaggap ng "Letter of Intent" (LOI) ang kanyang tanggapan mula sa Korean firm na Hankook B&P Co. Ltd. (HBPCL); Hankook B&Tec Ltd (HBTL.) Systems Plant Engineering Co. Ltd. (SPECL) at Kepco Engineering Co. Ltd. (KECC) na makipag-tie-up sa Phil Bio Agri Industry Corporation (PhilBaico) para magsagawa ng mga pag-aaral para sa biomass power plant at biomass collection project sa pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at tanggapan ng Agrikultura o' DA.

Sa LOI na isinumite kay Gov. Umali ng kinatawan ng Consortium na pinangunahan ni Kepco project manager Lim Yong Ha, sinabi nito na nais nilang simulan ang biomass projects at biomass power plants sa Pilipinas particular sa Nueva Ecija, gamit ang biomass materials na gaya ng "rice hulls, rice straw, corn cobs, corn stovers bagasse at coconut tress at residue fuel.

Ang HBPCL at HBTL ay tanyag na mga kumpanya sa larangan ng paggawa ng 'power generation boilers, industrial boilers at power boiler system, samantalang ang SPECL ay isang global plant engineering company na may 120 engineers at technical experts.

Pinahintulutan ni Gov. Umali ang Korean consortium at PhilBaico na magsagawa ng 'feasibility study' para sa proyekto at inatasan na rin sina provincial agriculturist Serafin Santos at ENRO Engr. Wilfredo Pangilinan na uasiste sa pagreresearch.

Ayon naman kay provincial administrator Atty. Alejandro Abesamis, aabutinng dalawa hanggang tatlong buwan ang 'feasibility study' at ang pagtatayo ng power plant ay matatapos sa loob ng tatlong taon. Ang Korean at Pilipino consortium ang unang dayuhang grupo na nagkaroon ng interest sa biomass facilities sa probinsya na tinaguriang 'rice granary of the Philippines' dahil sa sagana sa "rice hulls" at iba pang agricultural waste na kakailanganin sa nasabing mga proyekto. (Manny Galvez)

VACCINATION IS PREVENTION

PALAYAN CITY, Nueva Ecija -- "Vaccination is prevention," ito ang pahayag ni City Mayor Adrianne Mae Cuevas sa pagbubukas ng Palayan City Vaccine Clinic sa City Health Center noong Nobyembre 18 kasama ang mga Sangguniang Panglungsod at mga empleyado ng city hall. 
     Ang nasabing proyekto ay sa pakikipagtulungan ng Family Vaccine and Specialty Clinics (FVSC) sa pangunguna nina Chito San Agustin at Dr. Alberto Gabriel ng FVSC, na may 40 sangay sa buong bansa.
     "Mahalaga ng magkaroon ng ganitong klinika ang mga Palayanos upang mapaghandaan ang matagalang epekto ng mga bakuna kontra sa mabibigat na klase ng karamdaman," pagbibigay-diin ni Cuevas.
     Ayon kay San Agustin mga de-kalidad, mahahalaga at murang mga bakuna mula pre-natal, post natal at maging sa mga animal bites ang makukuha rito bukod sa libreng first 150 anti-flu vaccine.
     Isinaad ni Dr. Gabriel na nananatiling pangatlo ang Pilipinas sa buong mundo na may pinakamataas parin na rabies incidence, sa kabila ng pangakong maalis na ang problemang ito sa taoong 2020.
     Batay umano sa datos ng Animal Bite Treatment Centers ng Department of Health halos 90% ng mga rabid animals ay mga  bata dahil madalas makipaglaro sa mga alagang hayop. (Jojo Deguzman)
Photo Credit: TV48

Ayuda Tiniyak Para Sa Biktima Ng Bagyo

Bukod sa mga naibigay ng mga construction materials, may maaasahhan pa ring ayuda sa mga punla ang mga magsasakang Novo Ecijano na napinsala ng nakaraang bagyo.

Ito ang paniniyak ni Nueva Ecija Governor Aurelio Umali, lalo na sa mga magsasakang sakop umano ng programang 'Ani Mula sa Uhay (AMU)' dahil sakop ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang kanilang pananim.

Sinabi rin ng Gobernado na sinimulan ang AMU noong 2008 na sakop lang ang may 100 ektarya na tig-25 ektarya ang bawa't isa sa apat na distrito ng lalawigan.

Sagot ng AMU lahat ng gastusin ng magsasaka sa produksyon ng palay na babayaran sa panahon ng anihan na may konting interes.

Ang Nueva Ecija ay may 185,000 ektaryang sinasaka at 135,000 ektarya rito ay may patubig. Ayon kay Umali umabot na ngayon sa 2,000 mahigit ng nakapaloob sa programa at pangarap niya na bago matapos ang kanyang termino ay umabot sa 30,000 ektarya ang masasakop ng AMU.

7th Gatas ng Kalabaw Festival idinaos sa Gen. Natividad


Isinagawa kamakailan ng Gen. Natividad, Nueva Ecija ang ika-7 Gatas ng Kalabaw Festival.

Ayon kay Lady Mayor Areli Grace Santos, itinampok rito ang "Tagay Pugay" na seremonya ng sabay-sabay na pag-inom ng gatas ng kalabaw na nagpapakita ng sama-samang suporta upang tangkilikin ang produkto tungo sa isang malusog na pamayanan, maunlad na kabuhayan at masaganang pamumuhay kung saan ay nagkaroon din ng pamamahagi ng mga kaalaman sa paggagatas.

Sa kanyang lecturura, hinikayat ni Philippine Carabao Center (PCC) Operations chief Dr. Annabel Sarabia ang mga kalalawigan na mamuhunan sa paggagatas ng limang litro (5-liters) kada araw at ang kanilang 'lactation period' ay umaabot sa 300 araw. Sa kasalukuyan aniya ay mayroon ng 54 na kooperatiba ng magka-kalabaw sa probinsya.

Samantala, ng nagkaroon ng 'Diskuwento Caravan' ang DTI-NE kung saan nagbenta ang may 20 manufacturers ng tinapay, processed meat, detergents, cooking oil, vinegar, at mga produktong de-lata..

Global Warming at Climate Change Forum

Inaanyayahan ng Provincial Youth Development Council (PYDC) ang mga kabataang Nobo Esihano na makibahagi sa isasagawang Global Warming at Climate Change Forum sa ika 26 ng Nobyembre.

Sinabi ni PYDC head Billy Jay Guansing na layunin ng libreng forum, na idaraos sa Nueva Ecija Convention Center sa lungsod ng Palayan, na mabigyang kaalaman ang mga kabataan upang sila ay maging handa sa mga pagbabago ng panahon.

Naka-angla sa temang "Ikaw, Ako, Tayo: Kabataang Handa sa Klimang Nagbabago", tatalakayin dito ang tunay na estado at kahalagahan ng kalikasan, mga tungkulin at responsibilidad ng isang kabataan sa mga nagaganap na sakuna.

Ibabahagi rin ng ilang tagapagsalita ang iba't ibang karanasan o suliranin sa pagbabago ng panahon.

Kabilang sa mga magbibigay ng lecture sina Laguna Lake Development Authorith General Manager, Nereus Acosta, dating Senador Richard Gordon, Environment and Natural Resources Undersecretary for Field Operations Demetrio Ignacio, at National Youth Commission Executive Director Shierwin Taay.

ang aktibidad ay kaalisabay ng paggunita ng Global Warming ang Climate Change Consciousness Week mula ika-25 hanggang ika-29 ng Nobyembre.

Inaabisuhan ang mga interesado na sumadya lamang sa tanggapan ng PYDC sa 2nd Floor, Old Capitol Building o kaya naman ay tumawag sa numerong 09174202492 o 09175951745. (CLJD/CCN-PIA 3)

Mga Bagong Halal na Barangay Opisyal Nanumpa Na.

Nunumpa na kamakailan ang mga bagong halal na kapitan at kagawad ng mga barangay sa ikatlong distrito ng Nueva Ecija.

Ito ay dinaluhan nina3rd District Representative Czarina Umali at Gobernador Arelio Umali.

Sinabi ni Congresswoman Umali sa mga opisyal na dapat tumbasan nila ang suporta't tiwalang ibinigay ng taumbayan ng katapatan at pagpapahalaga sa kanilang kapakanan.

Samantala, nagpaalala naman si Gobernador Umali na huwag tapusin ang ibinigay na katungkulan sa isinagawang panunumpa bagkus ay bigyan ng tama at karapatdapat na paglilingkod ang mga nasasakupan.

Marami aniyang proyektong iginagayak ang pamahalaang panlalawigan sa mga brangay gaya na lamang ng mga aktibidad na naglalayong palawakin ang paghahanda sa panahon ng kalamidad.

Isa sa pagtutuunan din ng pansin ang pagbuo ng lidirato ng mga kapitan at kagawad upang mas matutukan ang pagpapalawig ng mga programang pambarangay. CAMILLE C. NAGAÑO