Ito ang minamadaling maipundar sa mga bayang pininsala ng baagyong 'Santi' at walang pag-asang mapanumbalik ang serbisyo ng kuryente bago sumapit ang 2013 Barangay Elections sa araw ng Lunes, Oktubre 28. Kamakalawa lamang ay pinaagkalooban ni P/Sr. Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Director, ang mga himpilan ng pulisya mula sa 27 munisipalidad at limang lungsod na wala pang kuryente.
Nagkaloob ng generator set si City Mayor Adrianne Mae Cuevas ng Palayan City sa malalayong barangay na matatagalan pang maisaayos ang kanilang mga linya na sakop ng Nueva Ecija Electric Cooperative II (NEECO-II, Area II.)
Noong Lunes ay hiniling naman ni Jaen Municipal Mayor Santiago 'Santi' Austria sa Sangguniang Bayan na kaagad ipasa at pagtibayan ang isang Resolusyon para sa 're-alignment' ng P5000,000.00 mula sa kanilang special fund upang maipambili ng generator set sa bawa't isa sa 27 barangay ng bayan at isa para sa munisipyo. - CAMILLE C. NAGAÑO