Nagbubunyi ngayon ang mga opisyales, kawani, professors at mga estudyante ng Central Luzon State University (CLSU) para sa idinulot na karangalan sa unbersidad ng isa sa mga nagtapos ng pag-aaral sa kursong Beterenaryo makaraang kumuha ng pagsusulit na ibinigay ng tanggapan 'Professional Regulation Commission' (PRC) kamakailan. Ayon kay CLSU President Ruben Sevilleja, wala silang paglagyan ng kasiyahan dahil sa hindi sukat akalain na mangunguna ang CLSU sa eksaminasyong ibinigay ng PRC kamakailan nang maguna at masungkit ng unibersidad ang pagiging 'topnotcher' ni Fekins Miguel Macabitas na may grading 88.20% na sinundan ni Gian Ato Dizon na may markang 85.86%.
Sa record ng PRC, may kabuuang 611 ang mga rehistradong examaninees, subali't may 242 lamang ang nakasulit sa naturang exam kung saan ay pumangatlo si Meriam Bacunata Cautiver ng UP-Los BaƱos, 85.32%.
Sa Facebook page ni Macabitas, nagpaabot siya ng taus-pusong pasasalamat sa mga taong sumuporta sa kanya kabilang na ang buong pamilya. Ang Board Of Veterinary Medicine ay pinangungunahan nina Maria Elizabeth Collanta, Mariano Jovellanosa at Maximao Montenegro, mga miyembro.