Pagbili ng Generator Set, Prayoridad ng mga Lokal na Pamahalaan sa NE

Prayoridad ngayon ng mga pinuno ng lokal na pamahalaan sa Nueva Ecija na naging sentro ng bagyong 'Santi' ang makapagpundar ng 'generator set' sa bawa't brangay at sa mga himpilan ng pulisya.

Ito ang minamadaling maipundar sa mga bayang pininsala ng baagyong 'Santi' at walang pag-asang mapanumbalik ang serbisyo ng kuryente bago sumapit ang 2013 Barangay Elections sa araw ng Lunes, Oktubre 28. Kamakalawa lamang ay pinaagkalooban ni P/Sr. Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Director, ang mga himpilan ng pulisya mula sa 27 munisipalidad at limang lungsod na wala pang kuryente.

Nagkaloob ng generator set si City Mayor Adrianne Mae Cuevas ng Palayan City sa malalayong barangay na matatagalan pang maisaayos ang kanilang mga linya na sakop ng Nueva Ecija Electric Cooperative II (NEECO-II, Area II.)

Noong Lunes ay hiniling naman ni Jaen Municipal Mayor Santiago 'Santi' Austria sa Sangguniang Bayan na kaagad ipasa at pagtibayan ang isang Resolusyon para sa 're-alignment' ng P5000,000.00 mula sa kanilang special fund upang maipambili ng generator set sa bawa't isa sa 27 barangay ng bayan at isa para sa munisipyo. - CAMILLE C. NAGAÑO

NE suffers P2.3-B damage due to Santi --PDRRMC

The province of Nueva Ecija, considered the country's rice granary, lost a total of P2.3 billion worth of crops, infrastructure and flood control systems in the wake of typhoon Santi with the damage expected to breach the P3-billion mark because of the devastation on properties.

In a final damage assessment report by the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, a copy of which was obtained by The Star Friday, the total damage was placed at P2,388,900,715.34.

Dr Abraham Pascua, PDRRMC co-chairman, said the figure was arrived at after validating the field reports submitted by local government units in the five cities and 27 municipalities in the province. "This damage assessment report is final, official and validated," Pascua said.

The figure was considerably lower than estimates based on initial ocular inspection. Earlier, Gov. Aurelio Umali, PDRRMC chairman, said initial assessment placed the damaged at P2.7 billion.

But disaster officials said the actual damaged could shoot up to P3 billion if damaged to properties would be included as 75,914 houses were damaged in the entire province, which has been declared a calamity area.

Pascua said they could not possibly quantify yet the damaged on properties. Based on PDRRMC figures, the fourth congressional district comprising Gapan City and the towns of Cabiao, Gen. Tinio, Jaen, Penaranda, San Antonio, San Isidro, and San Leonardo accounts for the biggest crop damage of P741.8 million representing 33 percent of the province-wide total.

This was followed by the third congressional district covering the cities of Cabanatuan and Palayan and the towns of Bongabon, Gabaldon, Gen Natividad, Laur and Sta Rosa which suffered P549.57 million in crop damage and the first congressional district (Aliaga, Cuyapo, Guimba, Licab, Nampicuan, Quezon, Sto Domingo, Talavera and Zaragoza) which sustained P549.52 million in crop damage.

The second congressional district (Muñoz Cci. City, San Jose City, Carranglan, Llanera, Lupao, Pantabangan, Rizal and Talugtog registered the lowest crop damage at P385 million.

Crops cover rice, corn, vegetables, high-value crops and livestock. In term of rice, the province lost P1.9 billion, P3.7 million worth of corn, P141.2 million worth of vegetables, P160.9 million worth of high-value crops and P241 million worth of livestock.

Two cities and four towns lost at least P100 million worth of palay each. Cabanatuan was the hardest hit, losing P149.3 million worth of palay, followed by Sta Rosa (P129.4 million,) Guimba ((128.5 million,) San Antonio (P127.6 million), Gapan City (P109.8 million), and Cabiao (P102.7 million.)

In terms of infrastructure, damage was placed at P162.9 million involving P134.6 million worth of road networks and P28.3 million in flood control systems. Of the road networks, P84 million (68%) involve municipal roads and P50.5 million (38%) involve provincial roads.

Pascua said of the 75,914 damaged houses, some 15,930 were totally damaged while 59,984 partially damaged. This affected 111,915 families or 513,159 persons.

Jaen recorded the most number of damaged houses with 11,649 followed by Cabanatuan (8,656) and Zaragoza (8,371.)

Cabanatuan registered the most number of affected families with 32,897 or 161,896 persons followed by Aliaga (13,165 families or 72,324 persons,) and Zaragoza (10,689 families of 28,087 persons.) The provincial government has been distributing roofing sheets to the affected families.

CLSU Graduate, Topnotcher sa 2013 Veterinary Exam ng PRC

Nagbubunyi ngayon ang mga opisyales, kawani, professors at mga estudyante ng Central Luzon State University (CLSU) para sa idinulot na karangalan sa unbersidad ng isa sa mga nagtapos ng pag-aaral sa kursong Beterenaryo makaraang kumuha ng pagsusulit na ibinigay ng tanggapan 'Professional Regulation Commission' (PRC) kamakailan. Ayon kay CLSU President Ruben Sevilleja, wala silang paglagyan ng kasiyahan dahil sa hindi sukat akalain na mangunguna ang CLSU sa eksaminasyong ibinigay ng PRC kamakailan nang maguna at masungkit ng unibersidad ang pagiging 'topnotcher' ni Fekins Miguel Macabitas na may grading 88.20% na sinundan ni Gian Ato Dizon na may markang 85.86%.

Sa record ng PRC, may kabuuang 611 ang mga rehistradong examaninees, subali't may 242 lamang ang nakasulit sa naturang exam kung saan ay pumangatlo si Meriam Bacunata Cautiver ng UP-Los Baños, 85.32%.

Sa Facebook page ni Macabitas, nagpaabot siya ng taus-pusong pasasalamat sa mga taong sumuporta sa kanya kabilang na ang buong pamilya. Ang Board Of Veterinary Medicine ay pinangungunahan nina Maria Elizabeth Collanta, Mariano Jovellanosa at Maximao Montenegro, mga miyembro.

DILG Nueva Ecija, 22 Anibersaryo ng Local Government Code

Nagsagawa ng Caravan for Good Governance ang Department of Unterior and Local Government (DILG) noong, ika-8 ng Oktubre, bilang bahagi ng selebasyon ng ika-22 anibersaryo ng pagkakapasa ng Local Government Code.


Ayon kay DILG Provincial Director Abraham Pascua, matitipon-tipon ang mga lokal na opisyal at residenteng nais dumalo mula sa bawat munisipyo't lungsod ng lalawigan at sabay sabay na tumungo sa Freedom Park sa lungsod ng Cabanatuan dakong ala-sais y medya ng umaga.

Ang mga taga unang distrito ay magkikitakita sa Baloc, Sto. Domingo; ang mga nasa ikalawang distrito naman ay sa bayan ng Rizal; ikatlong distrito sa lungsod ng Palayan; at ang mga taga ikaapat na distrito ay sa lungsod ng Gapan.  Binuksan ang programa ng isang misa na sinundan ng mensahe mula kay Gebernador Aurelio Umali.