Pulis sa Cabanatuan plebiscite, dinagdagan

CABANATUAN CITY – Para sa kaayusan, katahimikan at seguridad sa pagbobotohang conversion ng Cabanatuan mula sa pagiging component city para maging highly urbanized city (HUC) ng Nueva Ecija, 200 pulis ang idadagdag sa security force na itatalaga sa plebisito sa Enero 25, 2014.

Ayon kay Supt. Pedro D. Soliba, hepe ng Cabanatuan City Police, dadagdagan ang pulis upang matiyak ang ligtas at payapang pagdaraos ng plebisito sa 89 na barangay sa lungsod.

Sinabi pa ni Soliba na plano ring magbukas ng hanggang 10 checkpoint sa bawat strategic area, bukod pa sa magtatalaga ng karagdagang mga quick reaction team